Speech in Tagalog given during the burial mass of my
father, Alberto O. Morada, Imus Cathedral July 25, 2017
Salamat, isang salitang tumaga sa aking isipan isang gabi
ng kahinaan dulot ng pagod at puyat sa pag-aalaga sa aking ama. Malalim na ang gabi at ako ay dinadalaw na ng
antok nang biglang tinawag niya ako para magpapalit ng kanyang diaper dahil
siya ay napadumi. Pagod sa maghapong
pag-aalaga sa kanya at kasiraan ng aking tulog di ko naiwasan magalit at
magdabog habang siya ay aking nililinisan at kinabitan ng bago niyang diaper. Nang
ako ay matapos ay bigla niyang sinabi sa akin “Salamat anak sa iyong pag-aalaga
sa akin.” Dito labis na tumulo ang aking
luha imbis na siya ay magalit sa aking mga magaspang na kinikilos ay nakuha
niya pang magpasalamat sa akin. Luha ng
di tumigil ng pagtulo sa isang gabing napakatahimik.
Simula noong ay natutuhan kong magpasalamat sa lahat ng
biyayang aking natatanggap sa pang araw araw maliit man o malaki. Salamat ay
napakasarap makapakinggan upang ipadama natin ang gaanong ka importantante ang
mga tao sa ating paligid.
Sa ngalan po ng aking ama, si Alberto O. Morada ay nais
ko pong gamitin ang pagkakataon na ito upang ipahatid ang kanyang pasasalamat
sa mga taong bumubuo ng kanyang buhay
.
Sa kanyang asawa, Luz Ramires Morada, ang lagi niyang
sinasabi ang importante ay ang babae kong pinakasalan at ina ng kanyang mga
anak, ang buong buhay ng pagserserbisyo sa iyo ay nagdulot ng labis niyang
kaligayahan. Salamat
Sa kanyang mga anak si Wilfredo, Ma. Teresa, Minerva at
Gener, ang inyong pag aaruga at pagbibigay ng mga apo ay nagbigay buhay sa
kanya. Salamat
Sa aking asawa na si Cheryl at anak na si Christian James
maraming salamat sa iyong pang unawa at pagbibigay ng pagkakataon ng aking
maalagaan ang aking tatay. Salamat
Sa mga magpipinsan
at kamag- anak na nagbigay ng lakas ng loob sa pamilya sa oras ng
pangangailangan lalo na kay Dr. Renato Ramirez nag alaga sa kanyang kalusugan.
Maraming Salamat.
Sa mga kaibigan, katarbaho, kapitbahay at kaaway salamat
sa buhay ng naging makabuluhan.
At para sa iyo Tatay, maraming salamat sa buhay ng iyong
binigay at sa maranyang pamumuhay na aming naranasan. Salamat po.
Di kami mamaalam sa iyo kung hindi tanggapin mo ang aming
pagbati hanggang sa susunod, nating pagkikita Salamat Tatay.

No comments:
Post a Comment